Halimbawa ng Maikling Kuwento: Si Lito at Ang Mahiwagang Mundo

Si Lito at Ang Mahiwagang Mundo
ni C. J. Sanchez

Mahirap ang pamilya nina Lito. Sila ay nakatira sa isang bundok. Sa edad na pitong taong gulang, siya ay natuto nang magtrabaho sa bukid kasama ang kanyang mga magulang. Sa hirap ng kanilang buhay ay hindi man lang siya nakapag-almusal bago pumasok sa eskwela.

Isang araw, nagising na lamang siya sa isang gubat. Hindi niya alam kung saan siya naroroon at hindi rin niya alam kung saan patutungo. Sa kaniyang paglalakad ay may napansin siyang kakaiba sa dakong unahan, ito ay parang dulo nang kagubatan. Dali-dali siyang tumakbo at tumungo at nagulat siya sa kaniyang nakita - isang komunidad na may kasiyahan, ang lahat ng tao ay masaya at tila bang malayo sa problema. 

Pumunta si Lito sa isang salu-salo at dahil sa kaniyang kumakalam na sikmura ay kumain siya nang kumain. Busog na busog si Lito, nilapitan siya ng isang batang nagngangalang Kora. Nilibot siya nga bata sa kanilang komunidad, sila ay naglaro ng tagu-taguan, nanood ng mga palabas, sumakay sa tsubibo at ruweda. Makikita sa mga mata ng bata ang kasiyahan na ngayon lang niya naranasan sa buong buhay niya. Masayang-masaya si Lito sa buong araw at sa sobrang pagkawili niya ay tila ba malayo siya sa hirap at problema sa buhay.

Isinama ni Kora si Lito sa kaniyang tirahan at ipinakilala sa kaniyang mga magulang. 
Malugod naman siyang tinanggap doon. Sa bahay na iyon nakituloy ang bata at sila’y nagkuwentuhan.

Habang umiiyak, may narinig si Lito na tinig, ito ay ang tinig ng kaniyang ina. Idinilat niya ang kaniyang mga mata at nakita niyang nasa higaan na siya sa loob ng kanilang tahanan. Nakita rin ni Lito na nakangiti ang kaniyang mga mga magulang habang pinupunasan ng kaniyang ina ang mga luha sa kaniyang mga mata. Niyakap ng bata ang kaniyang mga magulang nang mahigpit.


Comments

Popular posts from this blog

Different Types of Tax

Jeepney : An Essay